top of page
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
CSPC kasalukuyan na ginaganap sa Macabebe High School
"C7SPC"
Ang Cluster 7 Schools Press Conference (CSPC),layunin ng pagpino ng mga kasanayan sa komunikasyon sa mga mag-aaral sa iba't ibang kategorya ng campus journalism,na kung saan nagsasama-sama ang ibat-ibang iskwelahan,upang ipakita nila ang kani-kanilang galing at talento sa pag sulat at pag papahayag.
Ito ay binubuo ng 13 na kategorya.Una na rito ay ang Photojour, Column Writing,Copy Reading, Editorial Cartooning, Editorial Writing, Sports Writing, Science ANC Technology,News Writing, Feature Writing,Radio Broadcasting,TV Broadcasting, Online Desktop, at Collaborative.
Maaari itong buuin ng group o indibidwal. idinararaos ito ngayong marso 23 sa pangunguna ng Macabebe High School. Binubuo ng ibat ibang iskwelahan, na galing sa ibat-ibang panig ng Macabebe at Masantol.
Ang tema ngayong taon ay "Pinalakas at Pinasiglang Pamahayagan Pampaaralan Tumutugon Sa Mga Hamon Ng Matatag Na Paaralan."na kung saan ito ay nag lalarawan sa pinalakas at pinasigla nating samahan sa pag gawa ng pahayagan sa hamon ng bawat matatag na paaralan.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
"Mataas Na Temperatura."
ang pagtaas ng temperatura
Ang matinding init ay isang panahon na may mataas na temperaturang humigit sa 90 degrees sa loob ng dalawang araw. Ang sobrang init na panahon ay nag sasanhi ng Heat Stroke,at Multi Organ Failure na maaaring ikamatay ng isang tao.
Ang sobrang init na panahon ay nakaka apekto sa ating sektor ng agricultura. Malaki ang masamang dulot nito sa mga tao,dahil dito ang mga tao ay hirap makapag trabaho, at makapag aral dahil sa sobrang init ng panahon.Ang init ng panahon ay nag sasanhi ng sakit sa balat.
Nagsisimulang tumaas ang temperatura sa bansang pilipinas sa pag pasok ng pebrero, ang matinding init ay tinutukoy bilang temperatura sa tag-araw na mas mainit at mahalumigmig kaysa karaniwan.
Dahil mas mainit ang ilang lugar kaysa sa iba, depende ito sa kung ano ang itinuturing na average para sa isang partikular na lokasyon sa oras at taon.Kaya kailangang maintindihan ng bawat isa ang konseptong ito upang mabawasan ang magiging epekto nito sa buhay ng tao.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
MACABEBE
ang katatagan ng macabebe
Ang bayan ng macabebe ay kilala dahil sa kanilang husay sa pakikipag laban, ang makasaysayan nilang repotasyon bilang matapang at matatalinong sundalo, ay nag simula noong rehimeng espanyol. Kilala ren ito sa industriya sa paggawa ng imahe at santo.Nagkakaroon ang macabebe ng taunang selebrasyon sa pag gunita ng ng Santero Festival tuwing enero 17, ang petsa ng pundasyon ng Macabebe.
Napapaligiran ito ng mga ilog at sapa.Dahil dito ang macabebe ay madalas bahain,dahil sa matinding pag buhos ng malakas na ulan. Maraming bayan sa Macabebe ang napipinsala kabilang na rito ang paaralan, palengke, at iba pa.Maraming tao ang nahihirapan sa sitwasyon na ito dahil sa sobrang taas ng tubig,marami reng tao ang di maka kilos ng ayos.
Subalit mayroong positibong hatid ang mga sapa at ilog,dahil dito kinilala ang Macabebe,bilang Makabibe dahil sa angkin nitong kasaganahan sa mga korales at kabibe sagana ren ito sa mga lamang tubig.
bottom of page