top of page

ANGPAHAYAGANGMACABEBE

01

image_edited.png

ISPORTS

433955850_399861612783966_6802730260547310384_n.jpg

Ibinuhos ni Tivoli ang naglalagabgab na smash upang makahabol sa kalaban na kapoponan

"Lalong kaming ginanahan kasi dikitan, atsaka nanalo kami kasi may teamwork at hindi nag sisihan."
MJ TOLENTINO
BADMINTON MIXED DOUBLE TEAM B
image_edited.png

ANG PAHAYAGANG MACABEBE

Mj Tolentino at Jhaslyn Cruz Namayagpag sa Badminton Mixed Doubles

image_edited.png
image_edited.png
APRIL_edited.png
By: April Joy Pechardo
Manunulat ng Isport
  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

Makapigil hininga ang naglalagabgab na tambalang Mj Tolentino at Jhaslyn Cruz ng Team B matapos matakasan ang naghihikahos na sina Mark Shandrie Tivoli at Tricia Flores ng Team A sa Badminton Mixed Doubles Championship Macabebe High School Principal's Cup, kanina, sa dako ng alas otso singkwenta ng umaga, 21-11, 21-19, 22-20.

Ipinamalas ng dalawang koponan ang kanilang lakas at galing sa larong badminton ngunit mas namayani sina Tolentino at Cruz sa pamamagitan ng mga nag lalagabgab na smash at depensa, habang nahirapan naman sina Tivoli at Flores sa pagkakaisa at pag habol ng shuttle cock.

Kitang kita na ang sigla ng bawat koponan unang set palamang ng laban upang makamtan ang kampeonato na kanilag inaasam. Puro error attack ang nagagawa ng natalong koponan na naging tyansa para kina Tolentino at Cruz, 21-11.

Kitang kita na ang sigla ng bawat koponan unang set palamang ng laban upang makamtan ang kampeonato na kanilag inaasam. Puro error attack ang nagagawa ng natalong koponan na naging tyansa para kina Tolentino at Cruz, 21-11.

"Lalong kaming ginanahan kasi dikitan", ani ni Mj

Tolentino mula sa nanalong koponan, dagdag pa nito, "atsaka nanalo kami kasi may teamwork at hindi nag sisihan".

Nagiba ang ihip ng hangin pagdako ng pangalawang set, nagkaroon ng time out dahil napapansin ng kanilang coach na nahihirapan ang Team A. Tunay na nakatulong ito upang magbigay lakas kina Tivoli at Flores, nag karoon ng pagpapalitan ng mga nag lalagabgab na smash at rally na naging puntos para sa Team A, 21-19.

Dikdikan ang laban sa huling set dahil mayroon na silang tig iisang puntos. Mas dumami ang smash na pinakawalan ng bawat koponan at nag karoon din ng rally, nakikita sa kanilang mukha ang pag kagustong manalo ngunit mas namayani ang depensa at pag kakaisa ng Team B habang ang Team A naman ay nag kaka errors. Natapos ang laban ng hindi nahabol ni Flores ang shuttle cock dahilan ng pag kapanalo ng Team B, 22-20.

"Kinakabahan, nakikita mo naman sa bata na gusto nila manalo. Ganon talaga sa laban may mananalo, walang natatalo, may natututo para sa susunod alam na nila yung improvements nila", pahayag ni coach Jerome Canarias mula sa natalong koponan.

ANGPAHAYAGANGMACABEBE

02

image_edited.png

ISPORTS

Screenshot-2024-02-04-073208.webp

Pagpirma ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon nasi Sara Duterte at Mayor ng Cebu Michael L. Rama at ang opisyal na pagsisiwalat na ang Cebu City ay ang magiging host sa palarong pambansa 2024.

Puspusang Paghahanda para sa 2024 Palarong Pambansa

Lubos na ang paghahanda ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at ang Local Government Unit (LGU) Cebu City na pormal na nagsiwalat ng kanilang partnership sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa Palarong Pambansa 2024 na nag lalayong suportahan ang mga batang Pilipinong Atleta.

Inihayag ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon nasi Sara Duterte sa panahon ng pagpirma noong Pebrero 2 na "Our primary goal is to equip them with the necessary tools to nurture discipline, resilience, and the indomitable spirit required to pursue their athletic passions,"

Idiniklara na ang Cebu City bilang opisyal na pagdarausan ng 2024 Palarong Pambansa na pinapangunahan ng kanilang mayor nasi Michael L. Rama. Ito na ang ikatlong pagkakataon ng Cebu City upang mag host matapos noong 1954 at 1994.

 

"The unique character and vaunted hospitality of Cebu City will make this year's Palaro even more memorable for all our student-athletes". Pag papasalamat ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon nasi Sara Duterte sa Cebu bilang pag darausan ng kaganapan. Inihayag ni Cebu City Sports Commission Chairman John Pages na "We've been waiting for 30 years for this moment. In fact, the Cebu City Sports Center was built 30 years ago, specific to the hosting of Palarong Pambansa in Cebu City,"

Samantala, inatasan namang lumikha at magpulong ang Local Palaro Executive Committee (LPEC), at Kalihim upang mapadali ang pagpopondo ng mga kinakailangang gastos sa kaganapan, partikular na ang pagtatayo at pagsasaayos ng mga pasilidad sa palakasan, billeting quarters, at iba pang imprastraktura na kinakailangan ng Palaro host.

 

EDITORIAL           

BOARD 

JERIC_edited.jpg

MANUNULAT NG BALITA

APRIL_edited_edited.jpg

MANUNULAT NG ISPORTS

JERIC LACAP

APRIL JOY PECHARDO

KYLE_edited_edited.jpg

JOHN CARLO CALAGUAS

LAYOUT ARTIST

CARLO_edited.jpg
XINCLAIRE_edited.jpg

MANUNULAT
NG EDITORYAL

KYLE SUNGA

MANUNULAT
NG LATHALAIN

XINCLAIRE AURORA

image_edited.png

ANG 
PAHAYAGANG 
MACABEBE

bottom of page