top of page
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
Catch-Up Fridays Bigyan nang
Pagkakataon
Iniulat ng Department of Education (DepEd) ang matagumpay na unang Catchup Friday noong Enero 12, 2024 sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. upang mapaunlad ang kakayahan sa pag basa at pag sulat .:Ayon sa Curriculum and Teaching Strand CTS), ang unang Catch-up Friday ay tumutok sa Drop Everything And Read (DEAR) na tinukoy sa DepEd Memorandum No. 001 s. 2024 na ang buwan ng Enero ay ilalaan sa aktibidad. Ang programang “Catch-up Fridays” ay inihayag ni Vice President at Education Secretary Sarah Duterte.
Pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral sa elementarya. Hinihikayat din ng DepEd ang mga pribadong paaralan na iataguyod ang Catch-up Fridays na layong magbigay ng mga oportunidad na pataasin ang academic performance ng mga mag-aaral partikular ang mababang antas ng kasanayan sa pagbabasa base sa kamakailang mga kakayahan .Sa memorandum ng DepEd ay sinabing ang Catch-up Fridays na mahalaga sa National Reading and Mathematics Programs na kritikal sa mga subprogram ng National Learning Recovery Program ng ahensiya.
Sa panayam sa Unang Balita, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na sisikapin ng ahensya na pahusayin ang pagpapatupad ng Catch-up Fridays,
na naglalayong pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti ng mga kasanayan sa pagbabasa ng mga Filipino learners at pagpapahusay ng kanilang pang akademikong pangganap. sa pag papatupad nang batas na katulad ng catch up friday nakasaaad dito na walang gagastosin ang isang guro ungit kung anolamang ang magagamit sa loob nang paaralan.
Samantala, sinabi ni Bringas na plano ng DepEd na mag-lobby ng pondo para sa karagdagang benepisyo para sa mga guro. Aniya, isasama nila ang mga panukalang ito sa nalalapit na budget deliberation. "Sinisigurado namin na ipo-propose pa rin namin sa aming bagong budget ang pagkakaroon ng overload at (We are pushing to include in the new budget proposal the overload and) overtime pay for teachers subject to guidelines," he said. Bukod sa pagsusulong ng mga karagdagang benepisyo, nangako rin si Brings na pagbutihin ang deployment at ang workload ng mga guro. Nauna nang nagbukas ang DepEd ng mga non-teaching positions para mabawasan ang administrative load ng mga guro para makapag-focus sila sa kanilang aktwal na mga function sa silid-aralan.Sa gitna ng mga hamong ito, inamin ni Brings na bumaba ang populasyon ng mga guro. saad panito na makaka sigurado na marami paring babalik na guro sa mga public school .
biglaang pagtaas ng petrolyo
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
Epekto ng Pataas na Presyo ng Petrolyo sa Ekonomiya at Lipunan
Iniugnay ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero ang inaasahang pagtaas ng presyo sa pagbaba ng krudo exports mula sa Iraq; ang pag-alis ng mga stockpile ng gasolina at krudo mula sa Estados Unidos at ang haka-haka tungkol sa mga epekto ng kamakailang mga pag-atake ng Ukraine sa malalaking tatlong refinery ng Russia.
Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo ay nagdudulot ng malawakang epekto sa ekonomiya at lipunan ng bansa. Sa bawat pagtaas ng presyo ng langis, tumataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain at iba pang produktong petrolyo-dependent. Dahil dito, lumalaki ang pasanin sa mga mamamayan, lalo na sa mga mahihirap na sektor na limitado ang kakayahan sa pagtugon sa ganitong pagbabago.
Ang presyo ng kerosene, sa kabilang banda, ay inaasahang tataas ng hanggang P1.50 kada litro. Ang mga sumusunod ay ang mga pagsasaayos sa presyo ng langis .ang Presyo ng diesel - bumaba ng PO.10 kada litro .gayun din sa Presyo ng gasolina ,tumaas ng PO.10 kada litro Presyo .Ang mga huling pagsasaayos ng presyo ay iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis sa Lunes at ipatutupad sa Martes sa susunod na linggo.​Sa larangan ng ekonomiya, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay nagreresulta sa pagtaas din ng presyo ng transportasyon at produksyon. Ito ay maaaring humantong sa pagtaas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo, na maaaring magdulot ng pagtaas ng inflation rate at pagbaba ng purchasing power ng mamamayan.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
PANGANGALAGA SA ATING MAHAL NA KALIKASAN
Kontrobersyal na Resort sa Gitna ng Chocolate Hills
Pagpapahalaga sa KalikasanIsang Panawagan sa Pagpapalaganap ng Responsible Tourism sa Paligid ng Chocolate Hills Noong Marso 13, sinabi ng DEN na naglabas na ito ng closure order laban sa resort noong Setyembre 2023. Responsableng turismo para sa mga protektadong lugar na binibigyang-diin ng pamahalaan.
Ang pangangalaga ng ating likas na pamana ay higit sa lahat, at samakatuwid, ang paggamit ng mga benepisyong pang-ekonomiya ng mga mapagkukunan ng ating bansa ay dapat na may pananagutan na itaguyod ang integridad ng ating mga protektadong lugar ngayon at para sa mga susunod pang henerasyon," sabi ng pahayag Ang pahayag ay ginawa kasunod ng isyu ng Captain's Peak Resort sa Chocolate Hills, na nakakuha ng pampublikong traksyon at umani ng iba't ibang reaksyon. "Para sa responsableng turismo sa mga protektadong lugar, hindi maaaring ikompromiso ang pagsunod, at ang regular na pagsubaybay ay kinakailangan. dahil ito ay kinakailangan ng batas,"
dagdag nito.
Sa pagpapanatili ng paggalang sa tradisyon at pangangalaga sa kapaligiran, magagawang panatilihin ang kabiguang tumingin sa Chocolate Hills bilang isang yaman na dapat ipagmalaki ng bawat Pilipino.
Sa pagkakaisa at pagtutulungan, maaaring maging modelo ang Chocolate Hills para sa iba pang atraksyon sa bansa, isang patunay na ang pagpapalakas ng turismo ay maaaring magkasabay sa pagpapalakas ng pangangalaga sa kalikasan.
Sa mga henerasyon, ang mga sikat na bundok na ito ay pinahahalagahan ng mga katutubong komunidad ng Bohol, na naglilingkod bilang isang sagisag ng kanilang kultura at pagkakakilanlan. Ang anumang pag-unlad sa paligid ay dapat igalang at isama ang mga pananaw ng lokal na mga interesado, na tiyakin na ang kanilang mga boses ay marinig at ang kanilang mga interes ay pangalagaan.Ang mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na komunidad, at mga pribadong sektor ay mahalaga para sa maayos na pangangasiwa sa pag-unlad ng turismo sa lugar. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malakas na regulasyon, mekanismo sa pagsubaybay, at mga programa na pinangungunahan ng komunidad, maaari nating matugunan ang balanse sa pagitan ng kaunlaran sa ekonomiya.
bottom of page