OPISYAL NA PUBLIKASYON NG FRANCENTIANS
TOMO 1 BILANG 1
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
Sagot ni Francis Bringas sa Catch-Up Fridays
Pahayag ni Bong Bong Marcos sa isyu ng pagtaas sa bigas
Sagot ni Francis Bringas sa Catch-Up Fridays
1/3
Ang positibong dulot ng Catch-Up Friday sa mga mag-aaral
421690942_949937406737429_830288390269687862_n
Pangangalaga sa ating mahal na kalikasan
captains-peak-garden-resort-bohol-march-13-2024-2
Describe your image
Ang positibong dulot ng Catch-Up Friday sa mga mag-aaral
1/3
CSPC kasalukuyan na ginaganap sa Macabebe High School
images
Ang Pagtaas ng Temperatura
Ang katatagan ng Macabebe
CSPC kasalukuyan na ginaganap sa Macabebe High School
1/3
Ibinuhos ni Tivoli ang naglalagabgab na smash upang makahabol sa kalaban na kapoponan
Pagpirma ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon nasi Sara Duterte at Mayor ng Cebu Michael L. Rama at ang opisyal na pagsisiwalat na ang Cebu City ay ang magiging host sa palarong pambansa 2024.
Ibinuhos ni Tivoli ang naglalagabgab na smash upang makahabol sa kalaban na kapoponan
1/2
Add a Title
Describe your image
Add a Title
Describe your image
Add a Title
Describe your image
Add a Title
Describe your image
1/12
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
Pagpapagas sa mahal na presyo ng petrolyo
Pagtaas ng Presyo ng Petrolyo, Inaasahan sa Nalalapit na Mahal na Araw
By: Jeric Lacap
Manunulat ng Balita
March 23, 2024 - Inaasahan ang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa nalalapit na mahal na araw sa susunod na linggo.
Sinabi ng mga kumpanya ng langis na asahan ang pagtaas ng presyo ng langis na hindi tataas sa P2.40 para sa gasolina kada litro at P1.75 naman para sa diesel kada litro ayon yan sa four-day trading.
Saad ni Bureau Director ng Energy-Oil Industry Management, Rodela Romero na inaasahan ang pagtaas ng presyo ng langis bunsod sa pagbaba ng pag-angkat ng langis mula sa iraq.
Narito ang listahan ng mga presyo ng langis: Presyo ng Diesel - bababa ng P0.10 kada litro Presyo ng Gasolina - tataas ng P0.10 kada litro Presyo ng Kerosene - walang pagbabago.
Inaasahan ang anunsyo ng huling taas-presyo ng langis sa darating na Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
"While it is Catch-up Fridays, a non-graded activity, gusto nating i-inculcate ivong (what we want to inculcate is the) culture of reading in the schools.”
FRANCIS CESAR B. BRINGAS Education Assistant Secretary
ANG PAHAYAGANG MACABEBE
Programang “Catch-Up Fridays” ng DepEd, Balakid sa mga Mag-aaral at Guro.
Sagot ni Francis Bringas sa Catch-Up Fridays
MANILA, Philippines - Ilang guro, mga magulang at estudyante di sang-ayon sa ‘Catch-up fridays’ ng Kagawaran ng Edukasyon.
Inilunsad ang ‘Catch-up fridays’ noong Enero 12, 2024 na layuning hikayating magbasa, sumulat, palawakin ang critical thinking at iba pang learning skills.
Sa isang panayan ni Education Assistant Secretary Francis Bringas, sinabi nga na "Iyan iyong ginagawan ngayon ng ating Bureau of Learning Development ng kanilang proper intervention lalung-lalo na sa pagkakaroon ng structured na klase, or structured na pag-implement ng mga reading activities (Our Bureau of Learning Development is preparing proper interventions for these [concerns], especially in having a structured class or structured implementation of reading activities)."
Sabi rin nya na bagaman hindi ito graded nais ng kagawaran na panatiliin ang kultura ng pagbabasa sa bawat eskwelahan.
Dagdag pa niya, "While it is Catch-up Fridays, a non-graded activity, gusto nating i-inculcate ivong (what we want to inculcate is the) culture of reading in the schools.”
Daing ng ilang mga guro dagdag problema lamang ito sa kanilang iskedyul at sila rin ang gumagastos para sa pagbili ng mga materyal na gagamitin para sa programa.
Sabi namn ng DepEd na magbibigay sila ng karagdagang allowance sa mga guro dahil pasok naman ito proposal ng nalalapit na budget deliberation.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
balita
balitabalita
03
0303
Pagtaas ng presyo ng bigas hindi raw maiiwasan, sabi ni Pangulong Marcos
"Hindi natin maiwasan na makita, talagang nagiging problema ang pagtaas ng presyo ng bigas dito sa Pilipinas. Pero, kung titignan po natin kahit na 'yung mga nag e-export na mga bansa ay tumataas din ang presyo nila, halos katumbas lang ng pagtaas dito sa Pilipinas."
PANGULONG FERDINAND ('BONG BONG') MARCOS JR.
ANG PAHAYAGANG MACABEBE
Pahayag ni Bong Bong Marcos sa isyu ng pagtaas sa bigas
March 23, 2024 - Netizens sumulat sa opisina ng pangulo at nag tanong kung ang ibig sabahin ba ng BBM ay ‘Bigas Biglang Mahal?’
Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi lamang ang Pilipinas ang ang nakakaranas na matas na presyo ng bigas kundi buong mundo.
Sagot ni Pangulong Bongbong, "Hindi natin maiwasan na makita, talagang nagiging problema ang pagtaas ng presyo ng bigas dito sa Pilipinas.
Pero, kung titignan po natin kahit na 'yung mga nag e-export na mga bansa ay tumataas din ang presyo nila, halos katumbas lang ng pagtaas dito sa Pilipinas." Sabi nya rin sa kanyang YouTube Vlog na ang Vietnam at Thailand at ibang karatig bansa ay nag e-export din ng milyong milyong tonelada ng bigas.
Ayon pa sa kanya sinigurado ng pamahalaan at ginagawa lahat ng kanilang makakaya upang ang ating produksyon ay maging sapit.
Dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas ang pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil dito lahat ng bilihin at iba pang serbisyo ay tumataas at apektado rito ang mga mahihirap.
Bukod sa pagtaas ng presyo ng bigas, sinagot din ng Pangulo ang ibang tanong kaugnay sa Jeepney Modernization Program at iba pang isyu.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
EDITORYAL
EDITORYALEDITORYAL
01
0101
Catch-Up Fridays Bigyan nang
Pagkakataon
Iniulat ng Department of Education (DepEd) ang matagumpay na unang Catchup Friday noong Enero 12, 2024 sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. upang mapaunlad ang kakayahan sa pag basa at pag sulat .:Ayon sa Curriculum and Teaching Strand CTS), ang unang Catch-up Friday ay tumutok sa Drop Everything And Read (DEAR) na tinukoy sa DepEd Memorandum No. 001 s. 2024 na ang buwan ng Enero ay ilalaan sa aktibidad. Ang programang “Catch-up Fridays” ay inihayag ni Vice President at Education Secretary Sarah Duterte.
Pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral sa elementarya. Hinihikayat din ng DepEd ang mga pribadong paaralan na iataguyod ang Catch-up Fridays na layong magbigay ng mga oportunidad na pataasin ang academic performance ng mga mag-aaral partikular ang mababang antas ng kasanayan sa pagbabasa base sa kamakailang mga kakayahan .Sa memorandum ng DepEd ay sinabing ang Catch-up Fridays na mahalaga sa National Reading and Mathematics Programs na kritikal sa mga subprogram ng National Learning Recovery Program ng ahensiya.
Sa panayam sa Unang Balita, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na sisikapin ng ahensya na pahusayin ang pagpapatupad ng Catch-up Fridays,
na naglalayong pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti ng mga kasanayan sa pagbabasa ng mga Filipino learners at pagpapahusay ng kanilang pang akademikong pangganap. sa pag papatupad nang batas na katulad ng catch up friday nakasaaad dito na walang gagastosin ang isang guro ungit kung anolamang ang magagamit sa loob nang paaralan.
Samantala, sinabi ni Bringas na plano ng DepEd na mag-lobby ng pondo para sa karagdagang benepisyo para sa mga guro. Aniya, isasama nila ang mga panukalang ito sa nalalapit na budget deliberation. "Sinisigurado namin na ipo-propose pa rin namin sa aming bagong budget ang pagkakaroon ng overload at (We are pushing to include in the new budget proposal the overload and) overtime pay for teachers subject to guidelines," he said. Bukod sa pagsusulong ng mga karagdagang benepisyo, nangako rin si Brings na pagbutihin ang deployment at ang workload ng mga guro. Nauna nang nagbukas ang DepEd ng mga non-teaching positions para mabawasan ang administrative load ng mga guro para makapag-focus sila sa kanilang aktwal na mga function sa silid-aralan.Sa gitna ng mga hamong ito, inamin ni Brings na bumaba ang populasyon ng mga guro. saad panito na makaka sigurado na marami paring babalik na guro sa mga public school .
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
EDITORYAL
EDITORYALEDITORYAL
02
0202
biglaang pagtaas ng petrolyo
Epekto ng Pataas na Presyo ng Petrolyo sa Ekonomiya at Lipunan
Iniugnay ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero ang inaasahang pagtaas ng presyo sa pagbaba ng krudo exports mula sa Iraq; ang pag-alis ng mga stockpile ng gasolina at krudo mula sa Estados Unidos at ang haka-haka tungkol sa mga epekto ng kamakailang mga pag-atake ng Ukraine sa malalaking tatlong refinery ng Russia.
Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo ay nagdudulot ng malawakang epekto sa ekonomiya at lipunan ng bansa. Sa bawat pagtaas ng presyo ng langis, tumataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain at iba pang produktong petrolyo-dependent. Dahil dito, lumalaki ang pasanin sa mga mamamayan, lalo na sa mga mahihirap na sektor na limitado ang kakayahan sa pagtugon sa ganitong pagbabago.
Ang presyo ng kerosene, sa kabilang banda, ay inaasahang tataas ng hanggang P1.50 kada litro. Ang mga sumusunod ay ang mga pagsasaayos sa presyo ng langis .ang Presyo ng diesel - bumaba ng PO.10 kada litro .gayun din sa Presyo ng gasolina ,tumaas ng PO.10 kada litro Presyo .Ang mga huling pagsasaayos ng presyo ay iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis sa Lunes at ipatutupad sa Martes sa susunod na linggo.​Sa larangan ng ekonomiya, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay nagreresulta sa pagtaas din ng presyo ng transportasyon at produksyon. Ito ay maaaring humantong sa pagtaas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo, na maaaring magdulot ng pagtaas ng inflation rate at pagbaba ng purchasing power ng mamamayan.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
EDITORYAL
EDITORYALEDITORYAL
03
0303
PANGANGALAGA SA ATING MAHAL NA KALIKASAN
Kontrobersyal na Resort sa Gitna ng Chocolate Hills
Pagpapahalaga sa KalikasanIsang Panawagan sa Pagpapalaganap ng Responsible Tourism sa Paligid ng Chocolate Hills Noong Marso 13, sinabi ng DEN na naglabas na ito ng closure order laban sa resort noong Setyembre 2023. Responsableng turismo para sa mga protektadong lugar na binibigyang-diin ng pamahalaan.
Ang pangangalaga ng ating likas na pamana ay higit sa lahat, at samakatuwid, ang paggamit ng mga benepisyong pang-ekonomiya ng mga mapagkukunan ng ating bansa ay dapat na may pananagutan na itaguyod ang integridad ng ating mga protektadong lugar ngayon at para sa mga susunod pang henerasyon," sabi ng pahayag Ang pahayag ay ginawa kasunod ng isyu ng Captain's Peak Resort sa Chocolate Hills, na nakakuha ng pampublikong traksyon at umani ng iba't ibang reaksyon. "Para sa responsableng turismo sa mga protektadong lugar, hindi maaaring ikompromiso ang pagsunod, at ang regular na pagsubaybay ay kinakailangan. dahil ito ay kinakailangan ng batas,"
dagdag nito.
Sa pagpapanatili ng paggalang sa tradisyon at pangangalaga sa kapaligiran, magagawang panatilihin ang kabiguang tumingin sa Chocolate Hills bilang isang yaman na dapat ipagmalaki ng bawat Pilipino.
Sa pagkakaisa at pagtutulungan, maaaring maging modelo ang Chocolate Hills para sa iba pang atraksyon sa bansa, isang patunay na ang pagpapalakas ng turismo ay maaaring magkasabay sa pagpapalakas ng pangangalaga sa kalikasan.
Sa mga henerasyon, ang mga sikat na bundok na ito ay pinahahalagahan ng mga katutubong komunidad ng Bohol, na naglilingkod bilang isang sagisag ng kanilang kultura at pagkakakilanlan. Ang anumang pag-unlad sa paligid ay dapat igalang at isama ang mga pananaw ng lokal na mga interesado, na tiyakin na ang kanilang mga boses ay marinig at ang kanilang mga interes ay pangalagaan.Ang mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na komunidad, at mga pribadong sektor ay mahalaga para sa maayos na pangangasiwa sa pag-unlad ng turismo sa lugar. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malakas na regulasyon, mekanismo sa pagsubaybay, at mga programa na pinangungunahan ng komunidad, maaari nating matugunan ang balanse sa pagitan ng kaunlaran sa ekonomiya.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
01
0101
lathalain
lathalainlathalain
CSPC kasalukuyan na ginaganap sa Macabebe High School
"C7SPC"
By: Xinclaire Aurora
Manunulat ng Lathalain
Ang Cluster 7 Schools Press Conference (CSPC),layunin ng pagpino ng mga kasanayan sa komunikasyon sa mga mag-aaral sa iba't ibang kategorya ng campus journalism,na kung saan nagsasama-sama ang ibat-ibang iskwelahan,upang ipakita nila ang kani-kanilang galing at talento sa pag sulat at pag papahayag.
Ito ay binubuo ng 13 na kategorya.Una na rito ay ang Photojour, Column Writing,Copy Reading, Editorial Cartooning, Editorial Writing, Sports Writing, Science ANC Technology,News Writing, Feature Writing,Radio Broadcasting,TV Broadcasting, Online Desktop, at Collaborative.
Maaari itong buuin ng group o indibidwal. idinararaos ito ngayong marso 23 sa pangunguna ng Macabebe High School. Binubuo ng ibat ibang iskwelahan, na galing sa ibat-ibang panig ng Macabebe at Masantol.
Ang tema ngayong taon ay "Pinalakas at Pinasiglang Pamahayagan Pampaaralan Tumutugon Sa Mga Hamon Ng Matatag Na Paaralan."na kung saan ito ay nag lalarawan sa pinalakas at pinasigla nating samahan sa pag gawa ng pahayagan sa hamon ng bawat matatag na paaralan.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
02
0202
lathalain
lathalainlathalain
"Mataas Na Temperatura."
ang pagtaas ng temperatura
Ang matinding init ay isang panahon na may mataas na temperaturang humigit sa 90 degrees sa loob ng dalawang araw. Ang sobrang init na panahon ay nag sasanhi ng Heat Stroke,at Multi Organ Failure na maaaring ikamatay ng isang tao.
Ang sobrang init na panahon ay nakaka apekto sa ating sektor ng agricultura. Malaki ang masamang dulot nito sa mga tao,dahil dito ang mga tao ay hirap makapag trabaho, at makapag aral dahil sa sobrang init ng panahon.Ang init ng panahon ay nag sasanhi ng sakit sa balat.
Nagsisimulang tumaas ang temperatura sa bansang pilipinas sa pag pasok ng pebrero, ang matinding init ay tinutukoy bilang temperatura sa tag-araw na mas mainit at mahalumigmig kaysa karaniwan.
Dahil mas mainit ang ilang lugar kaysa sa iba, depende ito sa kung ano ang itinuturing na average para sa isang partikular na lokasyon sa oras at taon.Kaya kailangang maintindihan ng bawat isa ang konseptong ito upang mabawasan ang magiging epekto nito sa buhay ng tao.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
03
0303
lathalain
lathalainlathalain
MACABEBE
ang katatagan ng macabebe
Ang bayan ng macabebe ay kilala dahil sa kanilang husay sa pakikipag laban, ang makasaysayan nilang repotasyon bilang matapang at matatalinong sundalo, ay nag simula noong rehimeng espanyol. Kilala ren ito sa industriya sa paggawa ng imahe at santo.Nagkakaroon ang macabebe ng taunang selebrasyon sa pag gunita ng ng Santero Festival tuwing enero 17, ang petsa ng pundasyon ng Macabebe.
Napapaligiran ito ng mga ilog at sapa.Dahil dito ang macabebe ay madalas bahain,dahil sa matinding pag buhos ng malakas na ulan. Maraming bayan sa Macabebe ang napipinsala kabilang na rito ang paaralan, palengke, at iba pa.Maraming tao ang nahihirapan sa sitwasyon na ito dahil sa sobrang taas ng tubig,marami reng tao ang di maka kilos ng ayos.
Subalit mayroong positibong hatid ang mga sapa at ilog,dahil dito kinilala ang Macabebe,bilang Makabibe dahil sa angkin nitong kasaganahan sa mga korales at kabibe sagana ren ito sa mga lamang tubig.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
01
0101
ISPORTS
ISPORTSISPORTS
Ibinuhos ni Tivoli ang naglalagabgab na smash upang makahabol sa kalaban na kapoponan
"Lalong kaming ginanahan kasi dikitan, atsaka nanalo kami kasi may teamwork at hindi nag sisihan."
MJ TOLENTINO BADMINTON MIXED DOUBLE TEAM B
ANG PAHAYAGANG MACABEBE
Mj Tolentino at Jhaslyn Cruz Namayagpag sa Badminton Mixed Doubles
By: April Joy Pechardo
Manunulat ng Isport
Makapigil hininga ang naglalagabgab na tambalang Mj Tolentino at Jhaslyn Cruz ng Team B matapos matakasan ang naghihikahos na sina Mark Shandrie Tivoli at Tricia Flores ng Team A sa Badminton Mixed Doubles Championship Macabebe High School Principal's Cup, kanina, sa dako ng alas otso singkwenta ng umaga, 21-11, 21-19, 22-20.
Ipinamalas ng dalawang koponan ang kanilang lakas at galing sa larong badminton ngunit mas namayani sina Tolentino at Cruz sa pamamagitan ng mga nag lalagabgab na smash at depensa, habang nahirapan naman sina Tivoli at Flores sa pagkakaisa at pag habol ng shuttle cock.
Kitang kita na ang sigla ng bawat koponan unang set palamang ng laban upang makamtan ang kampeonato na kanilag inaasam. Puro error attack ang nagagawa ng natalong koponan na naging tyansa para kina Tolentino at Cruz, 21-11.
Kitang kita na ang sigla ng bawat koponan unang set palamang ng laban upang makamtan ang kampeonato na kanilag inaasam. Puro error attack ang nagagawa ng natalong koponan na naging tyansa para kina Tolentino at Cruz, 21-11.
"Lalong kaming ginanahan kasi dikitan", ani ni Mj
Tolentino mula sa nanalong koponan, dagdag pa nito, "atsaka nanalo kami kasi may teamwork at hindi nag sisihan".
Nagiba ang ihip ng hangin pagdako ng pangalawang set, nagkaroon ng time out dahil napapansin ng kanilang coach na nahihirapan ang Team A. Tunay na nakatulong ito upang magbigay lakas kina Tivoli at Flores, nag karoon ng pagpapalitan ng mga nag lalagabgab na smash at rally na naging puntos para sa Team A, 21-19.
Dikdikan ang laban sa huling set dahil mayroon na silang tig iisang puntos. Mas dumami ang smash na pinakawalan ng bawat koponan at nag karoon din ng rally, nakikita sa kanilang mukha ang pag kagustong manalo ngunit mas namayani ang depensa at pag kakaisa ng Team B habang ang Team A naman ay nag kaka errors. Natapos ang laban ng hindi nahabol ni Flores ang shuttle cock dahilan ng pag kapanalo ng Team B, 22-20.
"Kinakabahan, nakikita mo naman sa bata na gusto nila manalo. Ganon talaga sa laban may mananalo, walang natatalo, may natututo para sa susunod alam na nila yung improvements nila", pahayag ni coach Jerome Canarias mula sa natalong koponan.
ANGPAHAYAGANGMACABEBE
02
0202
ISPORTS
ISPORTSISPORTS
Pagpirma ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon nasi Sara Duterte at Mayor ng Cebu Michael L. Rama at ang opisyal na pagsisiwalat na ang Cebu City ay ang magiging host sa palarong pambansa 2024.
Puspusang Paghahanda para sa 2024 Palarong Pambansa
Lubos na ang paghahanda ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at ang Local Government Unit (LGU) Cebu City na pormal na nagsiwalat ng kanilang partnership sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa Palarong Pambansa 2024 na nag lalayong suportahan ang mga batang Pilipinong Atleta.
Inihayag ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon nasi Sara Duterte sa panahon ng pagpirma noong Pebrero 2 na "Our primary goal is to equip them with the necessary tools to nurture discipline, resilience, and the indomitable spirit required to pursue their athletic passions,"
Idiniklara na ang Cebu City bilang opisyal na pagdarausan ng 2024 Palarong Pambansa na pinapangunahan ng kanilang mayor nasi Michael L. Rama. Ito na ang ikatlong pagkakataon ng Cebu City upang mag host matapos noong 1954 at 1994.
"The unique character and vaunted hospitality of Cebu City will make this year's Palaro even more memorable for all our student-athletes". Pag papasalamat ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon nasi Sara Duterte sa Cebu bilang pag darausan ng kaganapan. Inihayag ni Cebu City Sports Commission Chairman John Pages na "We've been waiting for 30 years for this moment. In fact, the Cebu City Sports Center was built 30 years ago, specific to the hosting of Palarong Pambansa in Cebu City,"
Samantala, inatasan namang lumikha at magpulong ang Local Palaro Executive Committee (LPEC), at Kalihim upang mapadali ang pagpopondo ng mga kinakailangang gastos sa kaganapan, partikular na ang pagtatayo at pagsasaayos ng mga pasilidad sa palakasan, billeting quarters, at iba pang imprastraktura na kinakailangan ng Palaro host.